Friday, August 22, 2008

Hindi maintindihan...ang ibig mong sabihin

Kahapon ko pang sinasabi sa sarili ko na OK lang yun. OK lang na hindi ako nakapasok.Yun rin naman ang hinala ko eh. Ang hindi ko lang maintindihan (at ang medyo kinaiinisan at hinanakit ko) ay yung pag iwas mo sa pag tingin sa akin. Yung pa sikreto ninyong pag pasa ng mensahe sa isa't isa. Baka ako lang ito. Baka masyado ko lang itong iniisip. Alam ko nagpadala na kayo ng email, pero bakit wala ka man lang paliwanag? Kahit kaunti man lamang. Kahit man lang, "Sorry ha, marami talaga kasing sumali eh." Kaya ko naman tanggapin yun eh. Hindi naman sa feeling-close ako, pero yun nga lang, akala ko na may kahit kaunting kahulugan yung pinagsamahan nating lahat. Alam ko hindi ako kasing ganda nila, wala rin akong karanasan kagaya ng iba. Siguro hindi rin ako ang pinaka malapit sa inyo o pinaka sikat. Pero ang feeling ko kasi, hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon para matuto o para man lang ipakita na may kaya naman ako. Hinusgahan agad ako dahil hindi ako ganun kaganda at wala pa akong masyadong karanasan. Para bang hindi ko kayang matuto.
Sinabi ko na hindi ko ito gagawing personalan. Pero eto ang nararamdaman ko eh. Hindi ko mapigilan. Siguro naninibago lang ako sa katotohanan na talagang hindi makatarungan ang mundo. Na siguro, masmadali sa may itsura ang makuha ang gusto nila. Alam ko medyo OR ako. Kasalanan ko rin naman na hindi ko sineryoso ito.
Sa ngayon, ayaw ko ng isipin to.
Naninibago lang talaga ako sa buong experience at culture dito.
Nakakamiss yung dati, nung mas madali pa ang lahat. Ngayon hindi lamang yung utak ko ang sinusubok eh. Pati ung mga inakala ko, yung pakikisama ko sa iba't ibang tao. Nakakapagod.
Nakakainsecure lang na lahat ng tao dito alam kung ano gusto nila sa buhay, may ambition, may kakayanan. Obvious pa, diba? Para bang, Lord, bakit sila lang, nasaan yung akin?
Naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung saan ko ipoposisyon ang sarili ko. Ipagpatuloy yung ganito, na wala lang paki (sa labas) pero sa loob, gulong gulo at hindi komportable. O baka kailan kong subukan mas maging masaya, mas vocal. Nung JC wala naman akong ganitong mga iniisip eh. Kontento ako sa posisyon ko. Hindi man akong kilala, pero OK lang yun kasi at least na-aalala ako ng mga tao. Pero ngayon, para bang, wala lang, medyo OA pero parang nawalan ako ng importansya.
Bakit ba ganoon, akala ko kilala ko na sarili ko, na hindi na ako magpapadala sa mga iniisip ng iba, na hindi ko na iintindihin yung mga mababaw na problema. Na kaya kong maging sarili ko. Pero sa totohanan, hindi ako ganun ka lakas eh. Para sa akin, importante parin na makita ako na may kasama, na hindi nag iisa, na kilala ako ng mga tao, na meron akong importansya. Hai Naku.

Tamana tamana tamana. Hindi na ako masyadong magiisip. kinailangan ko lang ng release. Wag ninyong pansinin ang pinagsusulat ko.

P.S. It's damn tiring to write in Filipino.

0 extra thoughts: